Dear Highschool Students,

Sulitin niyo na yung mga panahong nandyan pa kayo sa sa Mataas na Paaralan. Magpakasaya kayo, gawin niyo lahat ng bagay na gusto niyo pero huwag pababayaan ang pag-aaral. Itong ganitong klaseng larawan ay maaaring hindi na maulit muli pagtungtong ninyo ng kolehiyo. Wala kayong ibang gagawin kundi magaral at magdusa sa hell weeks at i-beat ang deadline ng projects at thesis. 

Hindi madaling maging katropa ang mga prof. kesa sa mga teachers niyo ngayon, mas strikto sila, at mas makitid ang utak. Mas mataray, masungit, hindi minsan ngumingiti at nagpapakabisado ng buong libro, mula harap hanggang sa dulong pabalat. 

Ang panahon ng pagiging highschool student ang pinakamasarap, at pinakamasaya. Kumbaga sa siopao, yan ang special. Kumbaga sa mga palabas sa tv at dito sa tumblr, ayan ang primetime. Higit na magkaiba ang school grounds ng highschool sa kolehiyo, na paminsan may makikita ka pang mga nagsisipa.

Sa nalalapit na pasukan, lalo na sa mga magsisipagtapos na, sulitin ang natitirang panahon sa langit, dahil pagtungtong ng kolehiyo magdudusa tayong lahat. 

" Tunay na makakabalik ka, pero hindi mo maibabalik yung oras at yung mga taong nakasama mo."

PS. Ako yung nasa harap, yung may vote for pedro. At pasayaw kami nyan, isang alaalang hindi ko makakalimutan. 

Nagmamahal, 

Kuya Peturr 


14 notes | Reblog
2 years ago

Posted on June 4th at 1:44 PM
Tagged as: nakakamiss.. :(. highschool. text.
  1. peterifik reblogged this from peterifik


theme by heartgrenade | powered by tumblr