Letter to friends…

May mga bagay na hindi masabi. Natatakot tayo dahil siyempre ayaw nating makasakit ng mga tao. Tulad na lang ng pagsasabi na may buni sa ngala-ngala yung katabi mo at may sprinklers sa bibig ang kaibigan mo. Pero sa kabila nito, sa kaibigan pa rin tayo humihingi ng saklolo. Humihingi ng balikat na masasandalan sa mga panahon na nalulungkot at binabagyo tayo ng problema.

Sabi nga nila, kung mga kaibigan mo na nagsabi sayo ng masama, maniwala ka na dahil siguradong totoo yun. Bihira ka bolahin at plastikin ng mga tunay mong kaibigan kasi nga mahal ka nila. Matuto lang tayo tumanggap kung ano yung mga mali satin. Tanggapin mo na mali ka at simulan mo ang pagbabago. Hindi porket ganyan ka ngayon ay tama na yan dahil yan ang pinaniniwalaan mo. Kahit sino maaaring magbago, mula sa pagkalugmok hanggang makabangon. 



Posted on January 16th at 7:04 PM
Tagged as: friends. text.
  1. peterifik posted this


theme by heartgrenade | powered by tumblr