Happy Birthday SHITMATE MATILDA! :)

Ang pretty tignan pero kapag nakausap mo tong loka-loka na to magbabago tingin mo sa kanya. HAHA! :) Siya nga pala si Marlene dash Ruth Tongson, ang aking foreverseatmate sa pinakasikat kong Ang buhay Iskolar. Shitmate at kadooman. HAHA! Happy Birthday Mac! 18 na, tatangkad na!
Natatandaan ko pa, late tong pumasok eh. Palibhasa may contact sa kinauukulan eh, loljk. Ngayon ko lang aaminin na gusto ko talaga siya kausapin nung first day kami magkita. LOL. Siya palang kasi yung nakikita kong medyo may itsura sa buong PUP. Leche! HAHA! :) At kung binebwenas ka nga naman ay magkatabi kami sa Alphabetical Cheating Arrangement. Pero feeling ko hindi niya ako type kaya pinakawalan ko na siya, lolwhut. HAHAH Akala ko pa non Thompson yung apelyido niya, fail. :/ Nakakatuwa kasi nagkakasundo kami sa mga tawanan at problema. Napaguusapan namin ang mga bagay na hindi dapat pinaguusapan ng babae at lalake. LOL! At patuloy naming pinagtritripan ang mga prof. na karapat-dapat namang trash talkin.
Bihasa kami sa paggawa ng caricature ng mga prof. kapag sobrang boring na talaga. Ang unang project, si DUQUE! HAHAH! Nakakahawa kasi tawa netong babaeng malanding haliparot na to, promise.
Minsan nagkaka-misunderstanding din kami (Yes lakas makajowa. HAHAHA), pero dahil hindi niya ako matiis, ayan kakausapin din niya ako. Ganyan lang naman yan eh, kapag galit palipasin mo muna. Dahil pag GALIT SIYA GALIT SIYA PERIOD! ALL CAPS! BOLD! At siguro isa siya sa mga taong pinakamamimiss at itetext ko para makipagkita matapos kami gumraduate.
Marami na ring kalokohan, tawanan, gupitan ng kuko, drawingan ng kung anu-ano, sulatan sa kabilang room, pang-alipusta sa prof., kagatan na siya lang gumagawa, dooman, SOT, paghahanap ng lalake para sa kanya, chismisan, pagshashare ng baon at tubig na siya ang umuubos pero ako nagdadala, utangan, foodtrip at pagsabay umuwi na talang miss na miss ko na, at marami pang memories na kahit kailan hindi ko makakalimutan. Sana sa mga susunod na araw maulit yun, pero alam kong mauulit talaga. 2 taon pa, kung iisipin mo nakakasawa pero hindi. Kasi si Marlene-Dash-Ruth yan, ang pinakasikat na karakter sa obra kong monologo.
Happy birthday Marlene! Isa lang wish ko, ang magkaroon ka na ng implant. LOLjk. I love you friend! :)
Tagged as: kutingnaiyakin. text. memories. happy 18th.
-
kutingnaiyakin reblogged this from peterifik and added:
Eto yung klase ng post...compliment ba o insulto. Nevertheless, nagpapasalamat
-
kutingnaiyakin liked this
-
reignorshine liked this
-
hellodayang liked this
-
blachiqana liked this
-
peterifik posted this
